𝗣𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗠𝗢𝗚𝗥𝗔𝗣𝗛𝗜𝗖 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗜𝗗

Umarangkada na ang updating services ng Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan para sa Demographic Information ng National ID.

Ayon sa PSA, maari nang ipawasto ang demographic information entries ng isang Pangasinense na rehistrado sa Philippine Identification System gaya ng kanilang pangalan, marital status, kasarian, petsa o lugar ng kapanganakan, address, blood type at anumang clerical at typographical errors.

Bukas umano ang tanggapan ng PhilSys Fixed Registration Center na matatagpuan sa Annex MB Building Nalsian, Calasiao mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng Hapon mula Lunes hanggang Sabado.

Samantala, nagpapatuloy ang pagsasagawa ng registration ng National ID sa iba’t-ibang barangay ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments