𝗣𝗦𝗬𝗖𝗛𝗜𝗔𝗧𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗛

Aminado ang Department of Health ¹Region 1 na hindi umano sapat ang bilang ng mga Psychiatrist sa rehiyon.

Ayon kay DOH Medical Officer IV, Dr. Rheuel Bobis, bagamat kulang ang psychiatrist sa rehiyon mayroon namang itinalagang kawani ang mga Rural Health Unit (RHU) na dudulog sa mga indibidwal na nakakaranas ng mental health problem.

Aniya, pinupunan naman ito ng kagawaran sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga health worker kahit hindi Psychiatrist o Psychologist ngunit may kakayahan na makapag-identify ng mga taong may mental health problem.

Makatutulong ang mga pagsasanay na ito upang maibsan kahit papaano ang kakulangan ng Psychiatrist sa mga RHU at mabigyan ng diagnosis upang masolusyunan ang kalusugang mental.

Patuloy naman na panawagan ng kagawaran ang responsableng pagbibigay ng tamang pagbabalita sa mga usaping suicide.

Ngayong linggo ginugunita ang Mental Health Week sa buong Pilipinas na layuning bigyang diin ang mental health awareness sa trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments