𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗕𝗜𝗗𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗨𝗡𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nadispose na ng Land Transportation Office(LTO) Regional Office 1 ang mga impounded motor vehicles na matagal nang hindi tinutubos ng mga may-ari sa ginanap ng public bidding.

Nakasaad sa PD 1729 na maaaring ipagbili ng LTO ang mga impounded vehicles kapag hindi tinubos ng mga may-ari at hindi nakapagbayad ng karampatang violation fee sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa LTO Regional Office 1, magagamit sa operasyon ng ahensya ang nalikom na pondo sa mga ipinagbiling sasakyan at inaasahang magpapaluwag sa mga impounding areas ng LTO.

Nagpaalala naman ang tanggapan na maari pa ring tubusin ng mga violators ang kanilang sasakyan sa loob ng labing- limang araw matapos mabigyan ng notice sa mga isinasagawang public bidding. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments