Gaganapin ang isang public consultation ukol sa minimum wage adjustment o pagtatakada ng minimum na sweldo ng mga manggagawa sa pribadong establisyimento at kasambahay sa Region 1.
Pangungunahan ang nasabing aktibidad ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Ilocos Region sa darating na August 13, 2024 sa Brgy. Lucao, Dagupan City.
Inaasahang magkakaroon ng dayalogo ang ahensya kasama ang iba’t-ibang stakeholders, employers, manggagawa at kasambahay upang talakayin ang usapin sa minimum wage.
Layon ng konsultasyon na maisaayos ang kabuuang minimum wage policies upang maisulong ang patas at nararapat na sahod sa mga manggagawa sa Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments