𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗥𝗢𝗨𝗧𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗙𝗥𝗕 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Iginawad ang Notice of Compliance Award sa Local Public Transport Route Plan ng Lingayen para sa taong 2024 hanggang 2028 matapos itong aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ang local public transport route plan o LPTRP ay bahagi ng modernization program ng gobyerno na nagsasaad ng komprehensibong detalye ng bilang ng units ng mga pampublikong sasakyan at ang kanilang ruta.

Layunin ng naturang route plan na mapabuti ang transport system sa bansa at masiguro ang seguridad ng mga mananakay. Inaasahan na maipatutupad ito sa Lingayen sa susunod na mga buwan pagkatapos maisaayos ang designated drop off at exit points at bagong ruta ng mga PUV. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments