Nagbigay babala ang Department of Health Ilocos Region sa publiko ukol sa panganib na maaaring makuha mula sa firsthand, secondhand o kahit pa thirdhand cigarette smoke.
Ayon kay Dr. Amia Siganay, Medical Officer III of DOH-CHD 1, kahit may iba-ibang pang lebel ng smoke exposure ay pare-pareho pa rin itong nakapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng isang indibidwal.
Ayon din sa tala ng DOH-CHD 1 noong 2022, mayroong 70,483 indibidwal sa rehiyon ang smokers o naninigarilyo.
Hindi ito umano patas para sa mga nakararanas ng secondhand smoking dahil sila pa ang nakakapagdevelop ng karamdaman dahil kulang ang kamalayan sa maaaring makuhang sakit mula sa firsthand smokers.
Dagdag pa ng kagawaran, may karapatan umano ang publiko na sitahin ang mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar dahil sa epektong maaari nilang maidulot sa kalusugan ng iba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨