Doble ang pag-iingat ngayon ng publiko lalo na ang mga nakatatanda sa paggamit ng online transactions lalo na sa maaaring online scamming ngayong holiday season.
Sinisiguro umano nila na legit ang mga transactions na kanilang pinapasok lalo na kung may kaugnayan sa pera.
Madaling access din sa pera ang mga ganitong klase ng panloloko lalo na kung magaling ang isang online scammers sa pambibilog o panloloko ng tao online.
Nagbigay rin ng mahigpit na paalala ang hanay ng kapulisan sa lalawigan maging ang Securities and Exchange Commission (SEC) ukol sa mga maaaring online scamming lalo ngayong holiday season.
Isa rin ito sa tinututukan ng awtoridad kung kaya’t pinapaalalahanan nila ang publiko na maging mapanuri at maging masiguro sa mga transferring at ano pang transakyon online.
Samantala, may ilan na rin umano sa lalawigan ang nasampahan na ng kaso at reklamo ukol sa modus na online scam. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨