𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗠𝗔𝗧𝗬𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗟𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Kasabay ng pagpasok ng holiday season ngayong buwan ng Disyembre, kaliwa’t kanan na rin ang mahigpit na paalala ng awtoridad ukol sa mga magsisilipanang pekeng pera.
Ngayong panahon kasi inaasahan na mas maraming pera ang lalabas kung saan sasabayan na rin ito ng mga nananamantalang tao upang makapanloko o makapag-iskam.
Dahil dito pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na magmatyag sa mga taong gagamit ng pekeng pera para lang makapanloko o mananamantala ngayong panahon ng kapaskuhan.

Gaya na lamang ni Jesica Sernicula na may tindahan sa Dagupan City, doble ingat daw siya sa mga tinatanggap nitong pera mula sa mga costumer nito dahil mahirap na aniyang masalisihan ng mga manloloko.
Bago aniya suklian o ibigay ang binibiling produkto ng costumer ay mahigpit niyang chinicheck ang features ng totoong pera at kung malaki aniya ang bill ng costumer mas lalo siyang nag-iingat.
Samantala, nagpalabas naman ng magkakahiwalay na abiso ang BSP, DTI, DILG at LTFRB na kahit na natupi ang 1000-piso polymer banknote ay mananatili pa rin ang halaga nito.
Ipagbigay-alam din agad ang hindi pagtanggap ng may tuping polymer banknote sa awtoridad upang agad na maaksyonan ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments