𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗥𝗘𝗔𝗨 𝗢𝗙 𝗜𝗠𝗠𝗜𝗚𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗨𝗠𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 ‘𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗔𝗟𝗜𝗘𝗡𝗦’

Hinikayat ng Bureau of Immigration Dagupan Field Office ang mga Dagupenos na huwag mag atubiling isumbong sa kanilang tanggapan ang mga ilegal na dayuhan na walang pahintulot para tumira sa lungsod.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay BOI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, kung mayroon man umanong impormasyon ang mga ito ukol sa mga ‘illegal aliens’ na magtatangkang mag-transfer o magsagawa ng iligal na aktibidad sa loob ng lungsod ay agad itong ireport sa kanilang opisina.

Makakatulong umano ito na maiwasan ang mga illegal na transaksyon ng mga foreign nationals sa lungsod at mapanagot sa kanilang mga maling gawain.

Tiniyak naman ng ahensya na nagpapatuloy ang Regional Intelligence Group nito sa pagmomonitor sa mga foreign nationals na naninirahan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments