𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗜𝗗

Dumulog at maghain ng reklamo; yan ang naging pahayag ng Philippine Statistics Authority Region 1 sa publiko sakaling hindi tanggapin ng isang establisyimento ang mga issued National IdDbilang isang valid ID.

Ayon sa tanggapan, mas mabuting isumbong sa kanilang opisina ang mga establisyimentong hindi kinikilala ang National Id.

May ilan kasing nagsasabi na hindi umano tinatangap ng ilang establisyemento ang kanilang mga national id dahil wala umanong itong signature bilang pagkakakilanlan ng may-ari.

Nanindigan ang PSA R1 na may “distinct feature” ang national id tulad ng unique barcode at QR code na nakalaan lamang sa bawat pagkakakilanlan upang hindi ito basta-basta magagaya.

Idudulog ng tanggapan ang mga reklamong matatanggap sa kanilang central office upang ito ay maaksyunan.

Maaari humarap sa karampatang parusa ang ano mang ahensya o establisyimentong hindi tatanggap ng national id sa ilalim ng PhilSys Act. |𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments