Isinusulong ngayon ng Department of Health Region 1 ang information dissemination ukol sa paglusong sa baha dahil ilang lugar sa rehiyon ngayon ang nakakaranas ng pagbaha.
Ayon sa ahensya, nararapat ang pagkonsulta sa pinakamalapit na health center sa posibleng banta ng leptospirosis sa kalusugan. Inihayag din ang wastong pamamaraan ng pag-inom ng doxycycline na gamot sa leptospirosis sapagkat hindi lahat ay maaaring uminom nito.
Ayon sa health authorities, ang Diarrhea, Typhoid Fever, Cholera, Hepatitis A, Skin Infection, Pneumonia at iba pang impeksyon ang maaring makuha sa paglangoy at pagligo sa baha.
Mas mainam umano na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan o kung hindi maiiwasan ay gumamit ng proteksyon upang maging ligtas sa sakit na maaring makuha ngayong nararanasan ang pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨