Nagpaalala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko ukol sa paggamit ng electrical facilities ngayong tag-ulan.
Ilan sa safety tips na ibinahagi ng awtoridad ay ang pagsuri o pag-check sa bawat kable ng tahanan upang malaman kung may mga sirang kable.
Mainam rin umanong tanggalin muna sa saksakan o outlet ang mga electronic appliances kung maabutan ng tubig baha ang loob ng bahay upang maiwasan na makuryente.
Bago rin humawak ng mga de-kuryenteng kagamitan ay siguruhingng tuyo ang buong katawan o kahit ang paligid at huwag hahawakan ang chord sa pagtanggal nito sa saksakan kung hindi mismo sa plug.
Kung sakaling nag-spark na ang mga outlet o di kaya kable ay huwag itong tatangkain ayusin kung hindi naman eksperto upang hindi madisgrasya o mapahamak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨