Nagbabala ang pamunuan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1 ukol sa mga posibleng kapahamakang dala ng pakikipagtransaksyon sa mga tinatawag na fixers o mga taong gumagawa ng pagsasaayos ng mga dokumento, lalo na sa pamamagitan ng bawal o sa mapanlinlang na gawain.
Paalala ng tanggapan na kung nais kumuha ng mga lehitimong papeles tulad ng birth certificate ay magtungo sa pinakamalapit ng opisina ng PSA at huwag ipasuyo sa iba.
Maaaring pekehin ng fixer ang mga dokumento na posibleng magamit sa mga ilegal na pamamaraan para sa sariling interes.
Sa ilalim ng RA 11055 at RA 11032, ang pamemeke ng mga dokumento at pakikipag-ugnayan sa mga fixer ay mahigpit na ipinagbabawal na karampatang parusa.
Sakaling makaranas umano ng ganitong uri ng panloloko ay maaring sumangguni sa kanilang tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨