𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Nagpaalala ang Department of Health-Center for Health Development Region 1 sa publiko sa mga sakit ngayong papalapit ang holiday season.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, Ilan lamang sa mga sakit na ito ay hypertension at diabetes na lifestyle related illnesses umano.

Aniya, ang diabetes ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino sa bansa noong nakaraang taon.

Payo ni Bobis, maghinay-hinay sa mga kakainin, lalo na sa mga mataba o matamis, at siguruhing inumin ang mga maintenance na gamot sa tamang oras.

Samantala, minam rin umano, ang pag-eehersisyo para sa magandang kalusugan upang hindi lumala ang karamdaman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments