Pinag-iingat ng Lingayen Municipal Police Station ang publiko sa maaring pananamantala ng mga kawatan ngayong pagpasok ng Disyembre.
Pinaiigting ng kapulisan ang pagpapatupad ng ‘Oplan Bandilyo’ sa mga mamimili at maglalako sa bayan upang maiwasan ang insidente ng pagnanakaw.
Sa pahayag ni Lingayen Officer-in-Charge PLTCOL Amor Mio Somine, ang naturang oplan ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng publiko sa mga pamilihan ngayong holiday season at maaring hindi maiwasan ang modus ng mga kawatan sa mga matataong lugar.
Tiniyak naman ng kapulisan ang pinaigting na pagpapatrolya sa mga matataong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga bumibisita sa bayan.|πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments