Sumailalim sa isang surprise drug test ang mga pulis at ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na pinangasiwaan ng Municipal Health Office (MHO) katuwang ang Department of Health (DOH) Ilocos Center for Health Development.
Aabot sa walumpoβt-apat na mga pulis ang nakiisa sa drugtest bilang pagtalima sa probisyon ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang mayroon ding labindalawang LGU employees ang sumailalim dito na kinakailangan umano sa ilalim ng Civil Service Commission (CSC).
Bahagi ang naturang aktibidad sa adhikain na matiyak na walang anumang presensya ng droga ang iiral lalong lalo na sa mga kawani ng gobyerno.
Kung sinumang magpopositibo sa nasabing drug test ay sasailalim sa confirmatory at drug dependency examination (DDE) kung saan mapapabilang sa isang rehabilitation programa hanggang macertify nang drug-free.|πΆπ³πΊπ»π²ππ