𝗣𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗪𝗔𝗬, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔

Cauayan City – Sinimulan na ang paggawa ng mga pundasyon ng ipapatayong mga streetlights sa National Highway na sakop ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Danilo Agsunod, kagawad sa nabanggit na barangay, ang proyektong ito ay mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan.

Aniya, malaking tulong ang ginagawang pagpapaliwanag sa National Highway lalo pa’t marami ang naitatalang aksidente at insidente ng pagnanakaw sa kanilang lugar nitong mga nakaraang buwan.


Samantala, nagsimula na rin ang pagkakabit ng mga ilaw sa bahagi ng centro Poblacion partikular na sa bahagi ng San Fermin at sa District 1 kaya’t maliwanag na rin ang mga kalsada sa parteng ito.

Umaasa naman si Kagawad Agsunod na matatapos sa lalong madaling panahon ang proyekto dahil makatutulong ito upang maiwasan at mabawasan ang mga naitatalang krimen sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments