𝗣𝗨π—₯π—’π—ž π—žπ—”π—Ÿπ—¨π—¦π—¨π—šπ—”π—‘, π—œπ—Ÿπ—¨π—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—Ÿπ—¨π—¦π—¨π—šπ—”π—‘

Ilulunsad sa lungsod ng Dagupan ang β€˜Purok Kalusugan’ na siyang programa ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development 1 bilang pagpapaigting sa serbisyong pangkalusugan.

Ang programa ay daan upang ilapit sa mga barangay ang health services.

Kabilang sa mga serbisyong inihahatid ng nasabing programa ay immunization, oral health, maternal health, tuberculosis control program, nutrition, non-communicable disease prevention at control program, and environmental and sanitation services.

Ilan din sa programang nailunsad na ng ahensya pagdating sa pagpapalawig pa ng serbisyong pangkalusugan ay β€˜Home Visit’ kung saan may parehong layon na nakapaghatid ng mas malapitang tulong medikal at pangkalusugan sa mga residente sa bawat lokalidad.|π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments