Mas pinalalawig pa ngayon ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development 1 ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan na mga residente sa buong Region 1.
Alinsunod dito, ayon sa naganap na kapihan sa bagong pilipinas planong ilunsad ng tanggapan ngayon sa Ilocos Region ang ‘purok kalusugan’ kung saan target nitong maibaba ang mga health services sa mga purok sa bawat lokalidad sa rehiyon.
Isa sa layunin nito ang matututukan ang anumang health concerns na umiiral sa isang purok upang maibigay ang karampatang pagtugon.
Sa kasalukuyan, inihahanda na ng pamunuan ng doh-chd1 ang ilang mga hakbangin tulad ng pagtukoy sa mga purok sa bawat probinsya ng rehiyon na mas nangangailangan ng pangkalusugang atensyon upang maisakatuparan ang naturang programa.
Samantala, ilan pang usapin na may kaugnayan sa pangkalahatang pangkalusugan sa buong ilocos region ang tinalakay at binigyang linaw sa naganap na programang kapihan sa bagong pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨