Nilinaw ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang isyung kaugnay sa pinangangambahang jeepney phaseout ng ilang transport group sa bansa.
Inihayag ng Regional Director ng ahensya na hindi katumbas ng jeepney phaseout ang napipintong deadline ng PUV Units Consolidation sa darating ng Dec. 31 ngayong taon.
Binigyang diin na ang tanging deadline lamang ay ang pagcoconsolidate ng mga PUV units, tradisyunal man o modernized o ang pagpapabilang ng mga ito sa umiiral na kooperatiba.
Kasunod nito ang hindi na pahihintulutang pumasada ang mananatiling single entity o mga walang kinabibilangang kooperatiba maliban sa ilan pang nabanggit na kondisyon.
Samantala, hindi agad maipapatupad ang jeepney phaseout at hangga’t consolidated ang mga PUV units, magpapatuloy ang mga ito sa operasyon depende rin sa itinakdang regulasyon sa mga ito tulad sa aspeto ng Road Worthiness. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments