𝗣𝗨𝗩 𝗨𝗡𝗜𝗧𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗧𝗥

Muling nagpaalala ang mga pamunuan ng Department of Transportation o DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa nalalapit na deadline ng Public Utility Vehicle (PUV) units consolidation sa darating na Dec. 31 ngayong buwan.
Matatandaan na isa lamang ang PUV Consolidation sa mga phase na isinasagawa sa pagtataguyod ng umiiral ng PUV Modernization Program.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nasa kabuuang porsyento na 90.57% o katumbas nito ang nasa dalawang libo, dalawang daan at limampu’t anim o 2, 256 na pampasaherong sasakyan ang naconsolidate na o mga operators na kabilang na sa mga kooperatiba.

Samantala, mayroon na lamang 21 days ang natitirang mga single entities para maipaconsolidate ang kanilang minamanehong pampublikong sasakyan upang makapagpatuloy pa rin ang mga ito sa pamamasada sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments