Naniniwala ang puwersa ng kapulisan sa Pangasinan na magiging mapayapa ang paparating na halalan sa susunod na taon matapos ang isagawa ang walong araw na CoC filing sa probinsya.
Sa pahayag ni PNP Pangasinan Provincial Director PCol Rollyfer Capoquian, bagamat wala pang tinutukoy ang COMELEC na election hotspot sa lalawigan, ay paiigtingin pa umano ng kanilang hanay ang pagbabantay sa publiko.
Iginiit rin ng opisyal na nanatili itong apolitical o walang pinapanigang partido. Sa ngayon, naghihintay ito ng direktiba mula sa Central Office para sa reassignment ng ilang pulis sa probinsiya sa nalalapit na halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments