𝗣𝟭.𝟯-𝗕 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

CAUAYAN CITY – Namahagi ang Department of Agriculture ng P1.3 billion agricultural assistance sa pangunguna ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ginanap sa DA-Cagayan Valley Research Center, San Felipe, Ilagan City.

Ang nasabing pondo ay bilang suporta ng ahensya sa mga magsasaka upang mapataas pa ang produksyon ng kanilang mga ani at bilang hakbang tungo sa maunlad na sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Isabela.

Tampok din sa aktibidad ang paglulunsad ng Agri Puhunan at Pantawid lending program kung saan layunin ng programa na makapagbigay ng financial resources para mapanatili nila ang kanilang kabuhayan.


Nakatanggap rin ang bawat bayan sa Isabela ng farm machinery, equipment, farm inputs at fuel subsidy.

Ang mga hog raisers naman na apektado ng African Swine Fever (ASF) ay naabutan ng baboy na may kasamang feeds.

Facebook Comments