CAUAYAN CITY – Umabot sa 218 na mga magsasaka ang nakatanggap ng ipinamahaging cheque ng Philippine Crop Insurance Corporation region 02.
Ang ipinamahaging indemnity check ay bilang tulong ng ahensya para sa mga magsasaka na nakaranas ng pagkalugi o nasalanta ang mga pananim ng mga nakaraang kalamidad.
Ayon sa PCIC, umaasa sila na sa pamamagitan ng ipinamahaging tulong sa mga magsasaka ay magawa ng mga ito na makabawi mula sa pagkalugi sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga kinakailangan para sa susunod na cropping season.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang mga nakatanggap ng cheke dahil malaking tulong na umano ito para sa kanilang gugulin at gastusin sa mga susunod na pagtanim.
Samantala, nangako naman ng PCIC Region 02 na kanilang ipagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong at suporta para sa mga lokal na magsasaka sa buong lambak ng Cagayan.