Kasado na ang P200M na inilaang budget sa Scholarship program ng Dagupan City matapos maaprubahan sa pinal na pagbasa ang annual budget para sa CY 2024 sa Sangguniang Panlungsod session ngayong araw.
Sa kasalukuyan, nasa 4, 738 ang nasa listahan ng kabilang sa umiiral na Scholarship Program at ganap na iskolar ng lungsod.
Ayon kay Coun. Celia Lim, unang suhestyon nito ang P107M para sa Scholarship bagamat upang maibukas pa sa mas maraming deserving na mga Kabataang Dagupeรฑo ang tulong pinansyal sa pangmatrikula ng mga ito ay walang naging bawas o tapyas ang naturang pondo.
Nakakatanggap naman ang mga certified scholars ng nasa P20, 500 per sem, higit P40, 000 sa isang buong academic year.
Samantala, nananatiling pinakamalaking pondo ang sektor ng edukasyon na nakapaloob sa target nitong limang libong scholars. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ