Inilahad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang planong pagpapalawig sa Pangasinan Polytechnic College o PPC, programang pangkalusugan at edukasyon sa lalawigan para sa taong 2025.
Ayon kay Governor Ramon Guico III, sa P7.1 B annual budget sa 2025, ilalaan ang P3.03 billion o 42.71 percent ang ibubuhos sa social services.
Kabilang sa inilaang budget ang pagpapatayo ng bagong gusali para sa PPC dahil sa posibleng pagtaas sa bilang ng mga mag-aaral sa mga susunod na taon at karagdagang kurso na maaring aralin ng mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Tututukan rin ang healthcare services para sa mga residente at ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad at dialysis centers sa Pangasinan.
Ang ilan pang bahagi ng annual budget ay ilalaan sa general services na may P2.68 billion at economic services na may budget na P1.39 billion.
Facebook Comments