
Cauayan City – Ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang tseke ng Seed Capital Fund sa Maunlad Naggasican Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) sa Cauayan City.
Umabot sa P300,000 ang karagdagang pondong ipinagkaloob, katuwang sina Allan Ty, Rodito Albano III, Assistant Secretary Irene Dumlao, Regional Director Lucia Suyu-Alan, Cauayan City Administrator Czarah Jane Dy, at Punong Barangay Reynante Bautista.
Ang nasabing pondo ay bahagi ng pangakong binitawan ni Gatchalian noong kanyang pagbisita sa proyekto ng SLPA sa Santiago City noong Setyembre 2025, kung saan inihayag ang suporta sa pamamagitan ng Product Development and Advancement Grant (PDAG).
Sa tulong ng pondong ito, inaasahang mapapalawak ng asosasyon ang kanilang negosyo, kabilang ang planong pagpasok sa pagpoproseso ng hito.
Ang PDAG ay isang insentibo para sa mga asosasyon ng Sustainable Livelihood Program na matagumpay na nakasunod sa itinakdang pamantayan sa ilalim ng implementasyon ng Usbong phase.










