𝗣𝟰𝟬𝟴𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗩𝗜 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Arestado sa buy-bust operation na ikinasa ng awtoridad sa Brgy. Anonas, Urdaneta City ang 67 – anyos na ginang kinilala bilang si alyas “Nanay”.

Tinukoy na high value individual ang suspek sa usaping ilegal na droga at nakumpiska dito ang dalawang malaki at dalawang maliit na sachet na may lamang hinihinalang shabu. Humigit kumulang na 60 gramo ang bigat nito at nagkakahalaga ng P408,000. Nakumpiska din dito ang ilan pang kagamitan kabilang ang 14 piraso 1000 – peso bill na boodle money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments