𝗣𝟱-𝗕 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝟰𝗣’𝘀, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗕𝗠

CAUAYAN CITY – Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5-B halaga na karagdagang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan.

Ayon sa ahensiya, magmumula sa 2023 Continuing Appropriations ang nasabing pondo kung saan gagamitin ito upang punan ang mga benepisyong hindi pa nababayaraan noong nakaraang taon na nagresulta sa deactivation or suspension nang mahigit pitong libong benepisyaryo ng nabanggit na programa.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay programa ng DSWD na tumutulong sa mahihirap na pamilya upang mapabuti ang kanilang kalusugan, pamumuhay, at edukasyon ng kanilang mga anak.


Facebook Comments