Napakinabangan ng mga residente sa lalawigan ng Ilocos Sur ang programang Sustainable Livelihood Program o SLP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Tinanggap ng mga benepisyaryo na mula sa labindalawang bayan at isang lungsod sa lalawigan ang tulong pangkapital sa pagsisimula ng kani-kanilang negosyo.
Ang SLP ay isang programang magbibigay tulong-pangkabuhayan upang makatulong sa mga binubuhay na pamilya at mapataas ang antas ng pamumuhay ng parehong mga hindi at miyembro ng 4Ps.
Samantala, ilan pang mga programa sa ilalim ng social welfare programs ng Pamahalaang Panlalawigan ang patuloy na napapakinabangan ng mga residente ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments