𝗥𝗔𝗕𝗜𝗘𝗦-𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬, 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗩𝗖𝗛𝗗 𝗔𝗧 𝗗𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟬𝟮

 

CAUAYAN CITY – Nagkaisa ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) at Department of Agriculture (DA) Region 02 sa adhikaing maging rabies-free ang lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement.

 

Layunin nitong magsagawa ng malawakang pet vaccination program sa buong Rehiyon Dos.

 

Samantala, binigyang-diin naman ni Dr. Amelita Pangilinan, Regional Director ng DOH-CVCHD, na mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga pet owners patungkol sa “Responsible Pet Care”, kabilang na dito ang pagpapabakuna ng anti-rabies sa kanilang mga alagang hayop.


 

Gayunpaman, magbibigay ang naturang ahensya ng 100,000 doses ng dog vaccines sa mga lugar na laganap ang kaso ng rabies, alinsunod sa pagsasagawa nang talakayan ukol sa responsableng pag-aalaga at estratehiya sa pagkontrol ng dami ng mga naturang aso.

Facebook Comments