𝗥𝗔𝗕𝗜𝗘𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗛𝗗 𝟭, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa ng tanggapan ng Department of Health Center for Health Development I ang isang Rabies Prevention Program bilang pakikibahagi nito sa World Rabies Month Celebration na ginanap sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Layon naturang programa na maingat ang kamalayan sa publiko pagdating sa responsible pet ownership at para nakaiwas na makagat o di kaya ay mabiktima ng hayop na may rabies.

Iba’t ibang miyembro, barangay councils, at BHWs ang nakibahagi rin sa naturang aktibidad bilang pagsuporta sa layunin nito.

“Rabies Free na pusa’t aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino” ang theme na inilunsad ngayong taon para sa naturang selebrasyon.

Samantala, naisakatuparan naman ang aktibidad sa koordinasyon ng DOH CHD I sa Provincial Health Office ng Ilocos Norte at ng Provincial DOH Office nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments