𝗥𝗔𝗖𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗦𝗦 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Muling isinagawa ng Social Security System – Cauayan Branch ang Run After Contribution Evaders o RACE Operation kahapon, ika-22 ng Nobyembre.

Sa nasabing operasyon, pitong (7) delinquent employer ang binisita ng ahensya upang ipaalala ang kanilang kontribusyon at ayusin ang kanilang delinquency.

Inabutan rin ng sulat ang mga binisitang employer at binigyan ng 15 days para makapag-comply.


Samantala, pinaalaahanan naman ni Branch Head Reynante Fernando ang lahat ng establishments na magbayad ng kontribusyon sa tamang araw upang hindi mag-incur ng penalty.

Facebook Comments