Nasa ilalim ng Red Alert Status ang Ilocos Region dahil sa epekto ng Bagyong Enteng na pinalakas ng habagat.
Sa eksklusibong panayam ng IFM Dagupan kay Office of the Civil Defense Region 1 Operations Officer Mr. Freddie Evangelista, 24/7 na nakabantay ang ahensya sa mga posibleng maidulot ng kalamidad sa rehiyon.
Ani Evangelista, mahigpit ang kanilang monitoring sa iba’t ibang panig ng rehiyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Sa ngayon, wala pang naitalang casualty o anumang untoward incident dulot ng Bagyong Enteng.
Patuloy naman ang isinasagawang koordinasyon ng RDRRMO sa mga Local DRRMOs para sa karagdagang tulong at suportang kinakailangan upang maserbisyuhan ang mga mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments