𝗥𝗘𝗗 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗢𝗡

Itinaas na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 (RDRRMC 1) ang red alert status sa Ilocos Region bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Leon.

Sa ulat ng RDRRMC1 nasa makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mga probinsya kung saan maaring naapektuhan ang pagtaas ng lebel ng kailugan sa Balincaguing at Alaminos sa Pangasinan, Lower Abra, Silay-Sta. Maria, Buaya, at Amburayan sa Ilocos Sur, Sa Ilocos Norte naman ay sa Bulu, Banban, Bacarra Vintar, Laoag, at Quiaoit at sa probinsya ng La Union ay sa Amburayan, Baroro, Lower Bauang, at Aringay.

Pinagana na rin ng tanggapan ang “Charlie” Protocol na siyang pinaka mataas na antas sa paghahanda sa epektong dulot ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments