π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—˜π—₯ 𝗔𝗑𝗬π—ͺπ—›π—˜π—₯π—˜ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠 (π—₯𝗔𝗣) π—‘π—š π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—–, π—›π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—‘π—š π—”π—¨π—šπ—¨π—¦π—§ 𝟯𝟭 𝗑𝗔 π—Ÿπ—”π— π—”π—‘π—š

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan sa publiko na hanggang August 31, 2024 na lamang ang kanilang Register Anywhere Program o RAP.

Ayon sa tanggapan, patuloy ang kanilang panghihikayat sa mga Pangasinanse na kunin ang oportunidad na makapagparehistro sa pamamagitan ng naturang programa.

Tuloy rin umano ang kanilang pagbisita sa mga unibersidad at paaralan sa lalawigan upang isagawa ang naturang program kung saan target din nila na irehistro ang mga estudyanteng hindi mahirap ang pagpaparehistro sa kanila mismong opisina o hindi kaya ay hindi alam kung paano magpaparehistro.

Sa darating na August 20, 2024 ay nakatakda ang tanggapan na bumisita sa isang unibersidad sa Dagupan City upang magsagawa ng Voter Education and Registration Fair at Automated Counting Machine (ACM) Demonstration.

Samantala, magtatagal ang COMELEC Registration hanggang September 30, 2024. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments