Umabot na sa higit-kumulang dalawang milyon ang bilang ng mga Pangasinense na rehistrado bilang botante ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan.
Ayon sa tanggapan ng COMELEC Pangasinan, nasa 1, 974, 932 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa lalawigan kasama na rito ang mga botanteng nagparehistro sa patuloy na isinasagawang satellite voterβs registration sa iba’t-ibang munisipalidad.
Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang voter’s registration sa mga munisipalidad at lungsod sa probinsya hanggang sa September 30, 2024 bilang paghahanda sa midterm election.
Samantala, nagsasagawa rin ng seminar at orientation ang ahensya sa mga nagpaparehistrong botante ukol sa kahalagahan ng kanilang karapatan sa pagboto. |πππ’π£ππ¬π¨