CAUAYAN CITY- Ipinatupad ang bagong ordinansa sa probinsya ng Kalinga hinggil sa regulasyon ng paggamit, pagbebenta at pag-endorso ng sigarilyo at iba pang tobacco products.
Ang ordinansang ito ay alinsunod sa Provincial Ordinance No. 2024-011 ni Sangguniang Panlalawigan Member Hon. Danzel Michael Langkit.
Ito ay mahigpit na ipinatupad sa mga partikular na lugar kung saan papatawan ng karampatang multa ang sinumang lalabag nito na nagkakahalaga ng limang libong piso.
Layunin nito na ilayo sa anumang masamang epekto ng paninigarilyo ang mga residente sa lalawigan at upang protektahan ang kanilang kalusugan.
Samantala, mahigpit rin na pinaalalahanan ang edad 18 pababa na sumunod sa naturang ordinansa at huwag gumamit ng vape o anumang tobacco products.