Dahil bagsak-presyo ang repolyo sa pamilihan ng Dagupan City hindi ito pinalampas ng ilang mga mamimili.
Ayon sa mga tindera ng gulay sa lungsod nasa 40 pesos kada kilo ang repolyo na dati ay nasa 60 pesos.
Mabenta umano ang repolyo ngayon dahil pasok sa mga budget ng mga nagtitipid.
Nanggagaling umano ang bentang repolyo ng mga tindera sa lungsod ng Urdaneta. Sa ngayon, sapat ang suplay nito sa pamilihan.
Samantala, wala rin naman umanong pagbabago sa presyo ng ibang gulay ngunit kita pa rin ang mataas na presyo ng kamatis na nasa 160 pesos na kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments