𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗢 𝗔𝗧 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Natanggap ng lokal na pamahalaan ng Balungao At Umingan ang augmentasyon ng hiniling na Family Food Packs kasunod ng pagkakatala ng apektadong mga residente dulot pa rin ng nararanasang kalamidad.

Kabuuang 2, 398 ng mga FFPs ang una nang itinurn-over sa LGU Balungao habang mayroon ding 2, 570 na naibigay na sa LGU Umingan, pawang mga munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan.

Inaasahang ipapamahagi ang mga relief supplies sa lalong madaling panahon upang matulungang maibsan ang nararanasang epekto ng bagyo sa mga residente.

Nasa higit limang libong mga pamilya na sa Pangasinan ang naitalang naapektuhan ng nararanasang pag-uulan bunsod ng Habagat na pinalalakas ng Bagyo.

Samantala, nakapreposisyon na ang mga FFPS sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 para sa distribusyon ng FFPs and NFIs sa mga naapektuhang populasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments