Iminungkahi sa naganap na physical regular session sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang resolusyong may kakayahang mag-imbentaryo ng mga tukoy na ari-arian sa ilang bahagi ng lalawigan.
Personal na naghain ng resolusyon ang bise gobernador ng probinsya na sinang-ayunan naman ng mga Board Members sa nasabing session.
Ayon sa bise-gobernador, marami umanong buwis ang hindi nakokolekta sa mga pagmamay-ari ng Provincial Government ng Pangasinan at nangangailangan ng wastong paggamit upang mapakinabangan ito.
Ilan lamang sa mga natukoy na ari-arian ay ang kinatatayuan ng Region 1 Medical Center, sa bahagi ng Brgy. Malued sa Dagupan City, ilang bahagi rin sa bayan ng Sual at maging ang plaza area sa bayan ng Lingayen.
Samantala, magpapatuloy ang pagtalakay sa nasabing resolusyon upang mabigyang pansin ang nasabing isyu. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨