𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡; 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝟮.𝟲 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Nilooban ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang resort sa bayan ng Mapandan.

Aabot umano sa higit 2.6 milyong piso ang natangay ng mga suspek. Sa imbestigasyon ng pulisya, dumaan ang mga ito sa likod ng resort at sinira ang door knob ng kwarto upang makuha ang mga gamit at pera.

Ilan sa mga nawawalang kagamitan ay 315 piraso ng folding table na nagkakahalaga ng higit 1. 2 milyon na nagkakahalaga ng 250,000 at perang nagkakahalaga ng 750,000 pesos. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments