Iginiit ng Department of Health Region 1 ang kahalagahan ng tama at responsableng pagbabalita ukol sa mga naitatalang suicide incident sa rehiyon dahil maaari umano itong makatulong sa pagpapababa ng suicide attempt ng isang indibidwal.
Ayon kay Senior Health Program Officer ng DOH Mental Health Program Erwin Baclig, maaari umanong magkaroon ng tinatawag na copy-cat suicide sa mga nagbabasa at nakakakuha ng ideya ukol sa suicide attempt lalo na sa mga taong may suicidal behavior.
Dapat umano na tama ang pamamaraan ng pagbabalita ukol sa mga ganitong ka-sensitibong usapin o balita nang sa gayon ay walang maging epekto sa mga nagbabasa o mga manonood.
Ayon sa kagawaran, halos nasa pitong daang libong kaso ng suicide death ang naitatala sa bawat taon. Balak itong mapababa ng sa taong 2030. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang training and seminars para sa mga health authorities na humahawak sa mga naturang insidente upang maisulong ang mga programa sa pagbaba ng suicidal behavior. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨