Nananatili pa rin ang presyo ng retail ng ilan sa mga produktong isdang ibinebenta sa mga wet market sa Pangasinan.
Ayon sa inilabas na datos ng Department of Agriculture Ilocos Region, nananatili sa presyo itinakda ang ilan sa mga pangunahing isdang benta sa palengke.
Nasa ₱200 per kilo ang presyo ng isdang bangus sa lalawigan at ₱140 per kilo ang presyo naman ng isdang tilapia.
Sa presyo naman ng galunggong, parehong nasa ₱200 ang per kilo ng local at imported nito habang nasa ₱180 per kilo naman ang retail price para sa Alumahan.
Samantala, tuloy pa rin ang papgpunt ang mga mamimili sa wet market para mamili pa rin ng mga pangunahing isda sa kabila ng taas pa rin ng presyo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments