Inoobserbahan sa pagamutan ang driver at backride ng motor kinilalang sina Edwin at Euber Caranto mula sa Brgy. Mapolopolo, Basista matapos sumalpok sa mag-left turn na kotse.
Lumalabas na nasa outer lane ang kotse nang magleft turn ngunit nang nasa inner lane na ay bigla naman sumalpok ang motor dito.
Ligtas at hindi nasugatan ang mga sakay ng kotse.Napag-alaman na positibo sa alcoholic breath test ang driver ng motor.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga sasakyang nagtamo ng pinsala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments