𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞

Dead on arrival sa pagamutan ang 27 anyos na rider matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang truck.

Ayon sa pulisya, nangyari ang banggaan sa Brgy. Taloy Malasiqui, Pangasinan. Nawalan umano ng kontrol ang motorista dahilan ng pagkakasalpok nito sa truck. Nagtamo ng iba’t-ibang sugatan sa katawan ang rider na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Nasa kustodiya ng kapulisan ang driver ng trak habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments