𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗟𝗢𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗥𝗢𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Pansamantalang isasara ang isang tukoy na kalsada sa bayan ng Lingayen simula ngayong araw, August 9, 2024.

Bunsod ito ng isasagawang mga pagsasaayos at maintenance sa kahabaan ng Avenida St. Corner Don Casiano Jimenez St sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution No. 884, S of 2024.

Ayon sa lokal na pamahalaan,Maaaring dumaan sa alternative route sa kahabaan ng Bengson St. Torres-Bugallon, Mercedes St. at Don Casiano Jimenez Street dahil pansamantalang isasara ang Avenida Rizal West St.

Magtatagal ang pagsasaayos ng kalsada sa ng labing apat na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments