Monday, February 16, 2026

β€Žπ—₯π—’π—Ÿπ—Ÿπ—¦-π—₯π—’π—¬π—–π—˜ π—‘π—š π— π—”π—š-𝗔𝗦𝗔π—ͺπ—”π—‘π—š π——π—œπ—¦π—–π—”π—¬π—”, π—‘π—”π—œπ—•π—˜π—‘π—§π—” 𝗦𝗔 π—–π—¨π—Ÿπ—§π—¨π—₯π—”π—Ÿ 𝗣𝗔π—₯π—ž 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—¨π—œπ—’ π—–π—œπ—§π—¬β€Ž

β€Ž
β€ŽCauayan City – Naibenta sa huling auction ang Rolls-Royce Cullinan na pag-aari ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, na dating tampok sa kanilang mamahaling lifestyle bago lumabas ang kanilang koneksyon sa anomalya sa flood control projects.
β€Ž
β€ŽAng luxury SUV ay nakuha ng Igorot Stone Kingdom Inc. (Iski), kompanyang nagpapatakbo ng 6-hectares cultural theme park sa Baguio City at naibenta sa halagang P29,026,000, bahagyang mas mataas sa floor price na P29,025,132.58.
β€Ž
β€ŽAyon kay Pio Velasco, may-ari ng Iski, pinili nilang bilhin ang sasakyan upang mapanatili at mailigtas sa posibleng pagkasira.
β€Ž
β€ŽDagdag pa nito, itinuturing nilang makasaysayan ang kotse dahil ito ang nagbukas ng mata ng publiko sa malawakang katiwalian sa bansa.
β€Ž
β€ŽAng pagbebenta ng sasakyan ay bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang maibalik at maprotektahan ang mga ari-arian mula sa mga dating kontratista at opisyal na sangkot sa anomalya.

πŸ“Έ: INQUIRER

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments