𝗦𝗔𝗚𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗚𝗔𝗠𝗘, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗗𝗔

Nagtamo ng sugat sa kaliwang hita, likod at hiwa sa mukha ang 38 anyos na mangingisda na si Wendell Añis, biktima ng pananaksak ng 27 anyos na construction worker na si Gelacio Magno Jr.

Nag-iinuman umano ang dalawa kasama ang ilan pang lalaki sa compound ng isa nilang kainuman. Nakainom na rin umano ang mga ito ng ilang bote ng gin habang naglalaro ng online game na mobile legends nang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mga ito dahil sa laro. Bigla nang sinaksak ng suspek ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling ang biktima habang naaresto nam ang suspek sa isinagawang follow-up operation. Narekober din ang folding knife na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments