Pormal nang inanunsyo ni Pangasinan Vice Governor Mark Lambino ang pagsisimula ng sales and marketing ng asin at iba pang salt-related products na tampok sa Pangasinan Salt Center.
Mula nang makuha ng Pamahalaang Panlalawigan ang naturang Salt Center ay nagsimula na rin talakayin ang operasyon nito kabilang ang pagbebenta at marketing ng produkto dito. Kabilang din dito ang paglulunsad ng mga programa para sa mga existing salt producers sa lalawigan.
Pagbabahagi ni Vice Governor Lambino nakalkula na ang tinatayang production cost, at iba pang expenses tulad ng capital expenditures.
Tulad ng Laoac Dairy Farm, ang Pangasinan Salt Center ay nasa ilalim ng provincial government at isang pseudo-economic enterprise. Pamumunuan ito ni Asst. Department Head ng Provincial Agriculture Office na si Nestor Battalion.
Sa kasalukuyan, nakatakda pang ilabas ang aktwal na presyo ng produktong asin at ang wholesale price mula sa Pangasinan Salt Center. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨